Miyerkules, Oktubre 5, 2011

TULA SA AKING PANGALAN

Walang hangan kung magmahal
Ikaw lamang at wala ng iba
Nagiisat bukod tangi ka
Sayo ko lang nadama ang tunay na pagmamahal
Tanging ikaw lamang ang iibigin habang buhay
Oo maniwala ka ikaw lang talaga
Nagiisang ikaw at wala ng iba

ANG AKING KARANASAN SA FILIPINO 110

 ang aking karasan sa filipino 110 ay may halong saya at saya ulit hahahah. . . . .
sempre masaya kasi kaw yung tcher namen(bola pa eh)pero totoo yun masaya ako kasi kaw yung tcher namen sa filipino kasi masaya ka magturo at tyaka hindi  ako naprepresure tulad sa ibang tcher



masaya ulit kasi hindi nakakaboring maturo at sa kabila nun may mga laman ung utak namen sa ating paghihiwalay at yun yung sinisigurado ko sir...........ang sarap ng karanasan sa room na parang magbabarkada lang tayo at naglalaro hehehehtanx

PARA KAY SIR JAYSON

ahaem Sir dramahan ba to...heheh
maraming salamat syempre kasi ikaw yung naging guro namin sa filipino..kami ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga pinagsamahan natin at sa lahat ng naituro niyo sa amin....salamat kasi napagtyagaan mu kami at pinag tyagaan ka din namen heheh joke lang alam mu naman na kahit binibiro ka namin e andudun parin yung pag galang namen sayo bilang isang guro..


ikaw yung all in one na guro dahil nag karoon kami ng guro,barkada, kapatid at kapamilya


maraming maraming salamat ulit sir jayson ikaw lang ang da best tcher sa folipino..atinatin lang yun ha...
happy bday ulit extended ba celebration.........

Linggo, Setyembre 18, 2011

sona ni p-noy2011


SONA



State of the Nation Address
of His Excellency Benigno S. Aquino
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines

[Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City on July 25, 2011]
Humarap po ako sa inyo noong aking inagurasyon at sinabing: Walang wang-wang sa ating administrasyon. At ngayon, patuloy nating itinitigil ito. Naging hudyat at sagisag po ito ng pagbabago, hindi lamang sa kalsada, kundi pati na rin sa kaisipan sa lipunan.

Puna sa pangungusap sa itaas: Sa salitang “At ngayon” mas magandang pakinggan kung tatanggalin ang salitang ”At”.
Sa matagal na panahon, naging simbolo ng pang-aabuso ang wang-wang. Dati, kung makapag-counterflow ang mga opisyal ng pamahalaan, para bang oras lang nila ang mahalaga. Imbes na maglingkod-bayan, para bang sila ang naging hari ng bayan. Kung maka-asta ang kanilang mga padrino’t alipores, akala mo’y kung sinong maharlika kung humawi ng kalsada; walang pakialam sa mga napipilitang tumabi at napag-iiwanan. Ang mga dapat naglilingkod ang siya pang nang-aapi. Ang panlalamang matapos mangakong maglingkod—iyan po ang utak wang-wang.

Puna sa pangungusap sa itaas: Ang salitang “embes” ay dapat palitan at gawing “Sahalip” para mas maging pormal. Ang pagitan ng salitang “sila” at “ang” ay dapat lagyan ng salitang “na” para gumanda ang daloy ng ideya.

Wala silang karapatang gawin ito. Ayon sa batas, tanging ang Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, Chief Justice, at pulis, bumbero, at ambulansya lang ang awtorisadong gumamit ng wangwang para sa kanilang mga opisyal na lakad. Kung sa trapiko nga ay di masunod ang batas, paano pa kaya sa mga bagay na mas malaki ang makukuha, tulad ng sa mga proyektong pinopondohan ng kaban ng bayan?

Puna sa pangungusap sa itaas: Sa nasalangguhitang parirala alisin natin ang salitang “nga” at palitan ito ng salitang “na” na ilalagay sa pagitan ng mga salitang “di” at “masunod”.

Narito po ang halimbawa ng resulta ng ating kampanya kontra wang-wang sa sistema. Nitong taong ito, taumbayan na mismo ang nagsabi,nabawasan ang nagugutom sa kanila. Mula 20.5% na self-rated hunger noong Marso, bumaba na ito sa 15.1% nitong Hunyo, katumbas ng isang milyong pamilyang Pilipinong nagugutom dati, pero ngayon ay nakakakain na nang tama kada araw.

Puna sa pangungusap sa itaas: Mas maganda kung papalitan natin ang nasalangguhitang parirala ng mga salitang “kumakalam ang sikmura”.

May kumpiyansa, may pag-asa, at tinutupad po natin ang ating mga pangako. Naaalala ko nga po ang babaeng nakausap ko nang ako’y unang nagha-house-to house campaign. Ang kaniyang hinaing: “Miski sino naman ang manalo, pare-pareho lang ang kahihinatnan. Mahirap ako noong sila ay nangangampanya; mahirap ako habang nakaupo sila, at mahirap pa rin ako pag nagretiro na sila.” Sa madaling salita, ang hinaing po ng marami, “Walang pakialam ang mga pinuno namin kahapon, wala silang pakialam ngayon. Bukas, wala pa rin silang pakialam.”
Puna sa pangungusap sa itaas: Ang unang naguhitang pahayag ay kailangang magkaroon ng konsistensi. Ang salitang “Miski” ay mali dapat ito ay “Maski”. Sa huling naguhitang mga pangungusap ay dapat may konsistensi. Ang dulong ideya ng pahayag ay dapat na palitan ng “Wala pa rin silang pakialam bukas”.

Sa Laguna Lake po, magtatanggal nga ng 12 million cubic meters sa dredging, pero pagkatapos ng tatlong taon, garantisado naman itong babalik. 18.7 billion pesos ang magiging utang natin para lang maglaro ng putik. Hindi pa bayad ang utang, nag-expire na ang pakinabang. Pinigilan po natin iyan. Ang food-for-school program na bara-bara lang ang paghahanap ng benepisyaryo, at iba pang inisyatibang pinondohan ngunit walang pinatunguhan—binura na natin sa budget upang ang pera namang nalibre, ay mailaan sa mga proyektong totoong may silbi.
Puna sa pangungusap sa itaas: Ang unang salitang naguhitan ay dapat palitan ang huling patinig nito ng patinig na “o”. Palitan natin ang pariralang “ang pera namang nalibre” ng mga salitang “ang perang malilibre” para maging malinaw ang pahayag.

Kahit po sa mga bukirin, may mga nagwawang-wang din. Bago tayo maupo noong 2010, nag-angkat ang bansa ng 2.3 million metric tons ng bigas. 1.3 million metric tons lamang ang kailangan nating angkatin, ngunit pinasobrahan pa nila ito ng isang milyon. Dahil nga sobra-sobra ang inangkat, kinailangan pa nating gumastos muli sa mga bodegang pagtatambakan lang naman ng barko-barkong bigas.
Puna sa pangungusap sa itaas: Ang salitang “nga” ay papalitan ng salitang “na”. Ang pariralang “lang naman” dapat palitan ng salitang “lamang” para mas maging maganda ang daloy ng pangungusap.

At bakit po postponement ang kailangan? Sa kagustuhang makabalik sa puwesto, nakahanda ang ilan na ulitin ang nakagawian para manalo. Isipin na lang po ninyo kung pumayag tayo sa kagustuhan ng mga kontra, at itinuloy natin ang eleksyon. Wala po silang ibang gagawin sa loob ng dalawang taon kundi paghandaan ang susunod na halalan at isiksik ang kalokohan nila sa mas maigsing panahon. Habang nananatili sa pwesto ang mga utak wang-wang na opisyal, naiiwan namang nakalubog sa kumunoy ng kawalang-pagasa ang taumbayan.
Puna sa pangungusap sa itaas: Ang sa litang nasalangguhitan ay kailangang palitan ng “ng” dahil hindi angkop na gamitinang salitang “ang” sa pangungusap.

Wala akong duda sa kahihinatnan ng mga repormang inilatag natin. Hindi po tayo nagbubukambibig lang; may kongkretong resulta ang ating mga paninindigan. Kapag sinabi nating tuwid na daan, may katapat itong kalsada sa Barangay Bagumbayan sa Sta. Maria, Laguna. Kapag sinabi nating malinis na pamamahala, may dadaloy na malinis na tubig sa mga liblib na lugar gaya ng nasa Barangay Poblacion, sa Ferrol, Romblon. Kapag sinabi nating liwanag ng pagbabago, titiyakin nating may liwanag na tatanglaw sa mga pamayanang dati ay nangangapa sa aandap-andap na gasera, gaya ng ginawa natin sa Barangay San Marcos, sa Bunawan, Agusan del Sur. Ganito na ang nangyayari sa marami pang ibang lugar; pinipilit nating ito rin ang mangyari sa kabuuan ng Pilipinas.
Puna sa pangungusap sa itaas: Ang mga naguhitang salita ay kaialangan mapalitan ng mga salitang “natin na ito rin” dahil kung iyong babasahin hindi ito magandang pakinggan.

Pinag-aaralan na rin po ng DOST at UP ang pagkakaroon ng monorail system, para tugunan ang problema sa pangmalawakang transportasyon. Sa malikhaing pag-iisip ng kapwa Pilipino, may pag-asa palang magtayo ng light rail system nang hindi hihigit sa 100 million pesos ang gagastusin kada kilometro. Sa matitipid na pondo, mas mahabang kilometro ng riles ang mailalatag at makaka-abot sa mga lugar na malayo sa sentro ng komersyo. Ang mga dating sumisiksik sa siyudad para maghanap ng trabaho, maaari nang tumira sa malayo, nang hindi pahirapan ang biyahe.

Puna sa pangungusap sa itaas: Ang salitang naguhitan ay kailangang mabago at maging “piso” dahil  hindi maganda kung may salitang Ingles sa pangungusap kailangan nating magkaroon ng paralelismo.

Uulitin ko po: ang mungkahing ito ay galing sa kapwa natin Pilipino, para sa Pilipinas. Naaalala po ba ninyo ang panahon kung kailan ni hindi man lang maabot ng mga pangarap natin ang ganitong mga proyekto? Ngayon, sinasabi ko sa inyo: pinapangarap natin ito, kaya natin ito, gagawin natin ito. Hindi ba tayo nagagalak, Pilipino tayong nabubuhay sa ganitong panahon?
Puna sa pangungusap sa itaas: Sa naguhitang pangungusap ang “:” ay kailangang palitan ng “,” para hindi mawala ang diwa ng pangungusap.

Ang totoo nga po, marami pang kalokohan ang nahalungkat natin. Halimbawa, sa PAGCOR: kape. Isang bilyong piso po ang ginastos ng dating pamunuan ng ahensya para sa kape; sa isandaang piso na lang po kada tasa, lalabas na nakakonsumo sila ng sampung milyong tasa. Baka po kahit ngayong iba na ang pamunuan ng PAGCOR ay dilat na dilat pa rin ang mata ng mga uminom ng kapeng ito. Hanapin nga po natin sila, at matanong: nakakatulog pa po ba kayo?
Puna sa pangungusap sa itaas: Ang pangungusap na naguhitan ay kailangang palitan ng “Ang kape sa PAGCOR” para mas kaaya-ayang pakinggan.

Batid ko po na hanggang ngayon ay may kakaunti pang nagrereklamo sa ating estilo ng pamamahala. Nakita po ninyo ang aming estilo, at ang kaakibat nitong resulta. Nakita po ninyo ang estilo nila, at kung saan tayonito dinala. Sa mga taong bukas ang mata, maliwanag kung saan ang tama.

Puna sa pangungusap sa itaas: Baligtarin natin ang naguhitang dalawang salita “dinala nito” para mas maging maayos ang pangungusap.

si p-noy para sa pinoy


SI P-NOY PARA SA MGA PINOY

        Sa ngayon, hindi ko pa nararamdaman ang epekto ng administrasyong Aquino. Sa tingin ko sa ibang bagay nakatuon ang atensyon ng administrasyon tulad ng pagpapababa ng utang ng bayan. Sa dami ng utang ng ating bayan dahil sa mga nakaraang administrasyon ay hindi agad maipaparamdam ng administrasyon ang kaginhawaan. Nakikita ko na puspusan ang ginagawang niyang pagtatrabaho upang maipasa ang ilang mga batas tulad ng pagbabawal sa paninigarilyo.  Nagagampanan naman ng pangulo ang kanyang tungkulin. Kaya naman talagang nagugustuhan ko ang kanyang pamamalakad.

        Sana bilang isang Pinoy, ay matulungan tayo ni P-NOY na umunlad at higit na maging produktibo. Sana magawa ng pangulo na i-tama ang mga maling palakad sa gobyerno. Mga gawaing nagpapahirap sa ating bansa. Gawaing patuloy na hihila at maglalayo sa ating bansa tungo sa inaasaman nitong kaunlaran.

        Magawa sanang higit na maipahayag ng pangulo ang kanyang mga balakin. Hindi lang dapat sa pamamagitan ng SONA naipapahayag ng pangulo ang kanyang mga nagawa na para sa bansa. Magkaroon sa ng higit pang komunikasyon ang pangulo sa taong bayan. Sana ay malinaw na maipaintindi ng pangulo ang kanyang mga hangarin para sa inang bayan.
     

Biyernes, Agosto 19, 2011

sampung taon mula ngayon eto na ako...











sampung taon mula ngayon ay hindi ko masasabi kung anu ba ang buhay ko,ngunit ang gusto ko na mangyari sampung taon mula ngayon ay ang makapagtapos ng pagaaral at makahanap ng magandang trabaho.
Magkaroon ng sariling bahay at lupa at makatulong sa aking magulang at mga kapatid, magkakaroon ako ng sariling negosyo at sariling sasakyan(kapal ko din eh ambisyoso..).\Makakahanap na din siguro ako ng isang babae na magbibigay sakin ng tunay ng kahulugan ng pagmamahal at kami ay magpapakasal at magkakaroon kami ng apat na anak..Ako ay magiging I.T. specialist sa isang malaking kompanya sa ibang bansa at doon ko makikilala ang babaeng pakakasalan ko....At iyan ako sampung taon mula ngayon     sana.......di masama mangarap ng sobra hahah

Huwebes, Agosto 18, 2011

Ang Awit ng Aking Buhay

\
Hiling  by Silent Sanctuary




Minsan di ko maiwasang isipin ka...
Lalo na sa t'wing nag iisa...
Ano na kayang balita sayo...
Naiisip mo rin kaya ako...
Simula nang ikaw ay mawala...
Wala nang dahilan para lumuha...
Damdamin pilit ko nang tinatago...
Hinahanap ka parin ng aking puso...
Parang kulang nga kapag ika'y wala...
(Chorus)
At hihiling sa mga bituin...
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin...
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin...
Patungo...
Ala ala mong tinangay na ng hangin...
Sa langit ko na lamang ba yayakapin...
Nasan ka na kaya, aasa ba sa wala...
(Chorus)
At hihiling sa mga bituin...
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin...
Hihiling kahit dumilim...
Ang aking daan na tatahakin...
Patungo sa iyo, patungo sa iyo...
Bridge:
Ipipikit ko ang aking mata dahil...
Nais ka lamang mahagkan...
Nais ka lamang masilalayan...
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na...
(Chorus)
At Hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo



Lahat tayo ay may sarisariling kwento at awit sa buhay.ako ang awit na nagbibigay representasyon sa aking buhay,ito ay ang kantang "hiling" ng bandang silent sanctuary. Ito ay kanta tungkol sa isang lalaki  na nagmahal ng sobra sa isang babae. Tulad ko,nagmahal ako ng sobra sa isang babae. Binigay ko lahat para sa kanya at nag bunga ang aming pagmamahalan subalit sa kabilang banda ay ayaw sa akin ng kanyang pamilya kaya pati ang bata sa kanyang sinapupunan ay nadamay, sa kasamahang palad ang bata ay kanilang pinalaglag at wala man lang ako kaalam alam. Para akong isang bata na walang nagawa kundi umiyak nalang sa nangyari. Tulad sa kantang ito ay humuhiling na minsan pa sana ako ay mahalin at mapatawad sa aking maling nagawa.  

Lunes, Agosto 15, 2011

Ako Bilang Isang...





    Ako bilang isang kawayan kasi ito ay maraming pagkakapareho saken sa pisikal na anyo man o sa iba pa.
Sa pisikal na anyo tulad ng kawayan ito ay mapayat at medyo katangkaran tulad ko.
 Ngunit ang malaking pagkakapareho namin ng kawayan ay ang pagiging matatag. Ang kawayan ay matatag kahit na akong bagyo ang dumating at kahit gano kalakas ang hangin na humampas sa kanya ay sumasabay lang siya sa ihip ng hangin.tulad ko kahit aning probleme ang dumating sakin ay pilit ko itong nilalabanan,at kahit minsan ay nadadapa ako ay tumatayo para sa mga mahal ko sa buhay na silang nagsisilbing lakas ko sa pang araw-araw. Hindi ako sumusuko sa mga dagok sa buhay at ito ay isang aral sa akin na ang lahat ng problema ay hindi mahirap lutasin,nasasaiyo na iyon kung pahihirapan mo ang sarili mo....

Si Crush!!






May isang dalaga na pumukaw ng aking atensyon sa katauhan ni Claire .  Isang dalaga na nagbigay saken ng meaning ng crush. Siya ay aking kamag aral sa ilang sabdyek ko ngayon, sya ang lagi ko kausap sa klase at kakwentuhan tungkol sa aming pagkakapareho.
Siya si Claire na tinatawag kung “dude”, nagustuhan ko siya dahil siya ay isang simpleng babae ngunit kayang makipagsabayan sa kakulitan ko.Nagustuhan ko siya dahil siya ay yung babae na tanggap ako kung sino ako at kaya akong intindihin sa lahat ng pagkakamali ko.
Siya ay mahilig sa gala at gusto niya ng lage siyang pinapatawa,lagi nya pang pinaglalaruan yung buhok ko at ang tawag niya sakin ay “kulot”.
At yan ang crush ko si Claire Castro.



Sabado, Hulyo 30, 2011

emo(emotional person)






Emo  is a style of rock music typically characterized by melodic musicianship and expressive, often confessional lyrics. It originated in the mid-1980s hardcore punk movement of Washington, D.C., where it was known as "emotional hardcore" or "emocore" and pioneered by bands such as Rites of Spring and Embrace. As the style was echoed by contemporary American punk rock bands, its sound and meaning shifted and changed, blending with pop punk and indie rock and encapsulated in the early 1990s by groups such as Jawbreaker and Sunny Day Real Estate. By the mid 1990s numerous emo acts emerged from the Midwestern and Central United States, and several independent record labels began to specialize in the style.
Emo broke into mainstream culture in the early 2000s with the platinum-selling success of Jimmy Eat World and Dashboard Confessional and the emergence of the subgenre "screamo". In recent years the term "emo" has been applied by critics and journalists to a variety of artists, including multiplatinum acts and groups with disparate styles and sounds.
In addition to music, "emo" is often used more generally to signify a particular relationship between fans and artists, and to describe related aspects of fashion, culture, and behavior.

eyescream my favorite band

Eye Scream - the band from Cabanatuan City





Eye Scream is a band from Cabanatuan City, Nueva Ecija - standouts of Muziklaban and GBOB competitions. They have really nice songs and deliver strong and dynamic live performances. I chanced upon them through an acquaintance and now I’m producing their debut recording.
We started pre-production in February, recording live takes of Eye Scream’s songs for studies re: arrangements, lyrics, dynamics. We’ve been tracking drum parts this week - so far so good. 3 songs down and 9 to go. We’ve also been laying down bass and guitar parts in between drum takes.
ito ang bvandang pinaka paborito ko dahil sila ang lagi kung pinapakinggan tuwing ako ay may problema at nakakarelate ako sa mga kanta nila.
ako ang no. 1 fun nila and ako ay proud na maging taga sunod nila kahit na marami ang hindi nakaka apreciate ng mga kanta nila....

street foods











Balut or Boiled Pre-hatched Eggs
It is no surprise to hear somebody shouting the word balut in the middle of the night. It is a common and everyday food in some countries such as Philippines, Cambodia and Vietnam. It is a fertilized duck or chicken egg with a nearly developed embryo inside, boiled and eaten in its shells. Balut is rich in protein, hearty snack and believed to be an aphrodisiac. This chicken egg can be bought usually from balut vendors who roam around the city at night.














Tokneneng and Kwek-kwek
Here’s an inexpensive yet delicious snack. Tokneneng is a boiled chicken egg, dipped in orange colored dough and fried in deep oil. It tastes best when paired with sliced cucumber and vinegar with chili. Kwek kwek is almost the same street food compared to Tokneneng but quail eggs are used instead of chicken eggs.


introduction of my self









Kasabay ng pagsibol at pagdaan ng panahon ay may isang lalaki na isinilang at  pinangalanang Winston G. Balignasay na ipinanganak nuong ika-28 ng Abril sa taong 1992sa kanilang munting tahanan.
                Isang munting tambay na nangarap makapag aral upang makamit nya ang kanyang mga pangarap sa buhay at matulunga ang kanyang mahal na pamilya.
                Siya ay nakapag tapos ng elementary sa mababang elementary ng Bacayao at nagkamit ng ika-4 na karangalan at pinakatatangi ang kagalingan sa Matimatika. Nagtapos sya ng kanyang sekondarya sa mataas na paaralang ng Guimba at naisama sa kauna-unahang pangkat ng Science Section sa kanilang paaralan, siya ay nakatangap ng karangalan na isa sa pinaka magaling sa larangan ng Matimatika.
                Sa kasalukuyan siya ay nag aaral sa Central Luzon State University at kumuha ng kursong Bachelor of Scince in Information Technology sa ikalawang taon.
                Siya ay mahilig sa babae lalo na kung cute hindi siya mahilig sa maganda, isang tao na mahilig sa musikang sariling atin at marunong din itong sumayaw at kumanta.
                Siya ay maihahalintulad sa isang kawayan, dahil ito ay mapayan tulad ng kawayang ngunit ang kawayan ay matatag kahit na anung lakas ng hangin ang dumating ito ay sumasabay lang sa direksyon tulad niya kahit na marami nang problema ang dumating siya ay matatag parin at hindi sumusuko.
                Ayon nga sa kasabihan na “don’t judge the book by its cover” dahil marami ang humuhusga sa kanya sa panlabas na anyo ngunit sa loob nito ay isang taong palakaibigan. At yan si Winston Balignasay. J





Kasabay ng pagsibol at pagdaan ng panahon ay may isang lalaki na isinilang at  pinangalanang Winston G. Balignasay na ipinanganak nuong ika-28 ng Abril sa taong 1992sa kanilang munting tahanan.
                Isang munting tambay na nangarap makapag aral upang makamit nya ang kanyang mga pangarap sa buhay at matulunga ang kanyang mahal na pamilya.
                Siya ay nakapag tapos ng elementary sa mababang elementary ng Bacayao at nagkamit ng ika-4 na karangalan at pinakatatangi ang kagalingan sa Matimatika. Nagtapos sya ng kanyang sekondarya sa mataas na paaralang ng Guimba at naisama sa kauna-unahang pangkat ng Science Section sa kanilang paaralan, siya ay nakatangap ng karangalan na isa sa pinaka magaling sa larangan ng Matimatika.
                Sa kasalukuyan siya ay nag aaral sa Central Luzon State University at kumuha ng kursong Bachelor of Scince in Information Technology sa ikalawang taon.
                Siya ay mahilig sa babae lalo na kung cute hindi siya mahilig sa maganda, isang tao na mahilig sa musikang sariling atin at marunong din itong sumayaw at kumanta.
                Siya ay maihahalintulad sa isang kawayan, dahil ito ay mapayan tulad ng kawayang ngunit ang kawayan ay matatag kahit na anung lakas ng hangin ang dumating ito ay sumasabay lang sa direksyon tulad niya kahit na marami nang problema ang dumating siya ay matatag parin at hindi sumusuko.
                Ayon nga sa kasabihan na “don’t judge the book by its cover” dahil marami ang humuhusga sa kanya sa panlabas na anyo ngunit sa loob nito ay isang taong palakaibigan. At yan si Winston Balignasay. J

Ang aking pamilya


Ang aking pamilya ay isang ordinaryong pamilya lang may ama,ina ,kuya at ate.
Ang aking ama ay si Felimon Balignasay na isang magsasaka at mapagmahal na ama. Ngunit siya ay kapiling na n gating panginoong Hesukristo. Siya ang nagsisilbing kuya ko at barkada dahil sa kanya ko lang nasasabi ang mga problema ko ngunit kelangan tanggapin n gaming pamilya na wala na siya.
Ang aking ina naman ay si Teresita balignasay isang sipleng ina na walang hinahangad kundi ang ikabubuti ng kanyang mga anak, isang mapagmahal na asawa at ina. Siya nalang ang nagtataguyod sa aking pag aaral kaya siya ang isa sa mga dahilan kung bakit ako ay ng aaral hanggat kaya ko. Siya ang pinaka the best na ermat sa lahat at mahal na mahal ko sila ni tatay.
Ang panganay sa aming magkakapatid ay si Generose Balignasay Fernadez isang mapagmahal na anak at responsible, siya ay isang ina narin ngayon sa kanyang dalawang anak.
Ang sumunod ay ang aking kuya na mapagintindi at siya narin ang umako sa responsibilidad ng aking ama. Siya ang tumutulong sa aking ina para mairaos ako sa pag aaral at mas pinili nyang tulungan muna kami kaysa mag asawa.
Ang isa ko pang ate na nagging kadikit ko sa lahat ng pagkakataon. Ako rin ang nagsisilbing kuya nya minsan dahil ako ang nalalapitan nya pag may problema. Siya ay isng ina narin sa kanyang dalawang anak.
At syempre ako ang pinaka makulit at sweet nilang anak at kapadit. Ako ay bunso sa aming magkakapatid. Isang mapagmahal na anak at kapatid.
At yan ang aking munting pamilya…