SI P-NOY PARA SA MGA PINOY
Sa ngayon, hindi ko pa nararamdaman ang epekto ng administrasyong Aquino. Sa tingin ko sa ibang bagay nakatuon ang atensyon ng administrasyon tulad ng pagpapababa ng utang ng bayan. Sa dami ng utang ng ating bayan dahil sa mga nakaraang administrasyon ay hindi agad maipaparamdam ng administrasyon ang kaginhawaan. Nakikita ko na puspusan ang ginagawang niyang pagtatrabaho upang maipasa ang ilang mga batas tulad ng pagbabawal sa paninigarilyo. Nagagampanan naman ng pangulo ang kanyang tungkulin. Kaya naman talagang nagugustuhan ko ang kanyang pamamalakad.
Sana bilang isang Pinoy, ay matulungan tayo ni P-NOY na umunlad at higit na maging produktibo. Sana magawa ng pangulo na i-tama ang mga maling palakad sa gobyerno. Mga gawaing nagpapahirap sa ating bansa. Gawaing patuloy na hihila at maglalayo sa ating bansa tungo sa inaasaman nitong kaunlaran.
Magawa sanang higit na maipahayag ng pangulo ang kanyang mga balakin. Hindi lang dapat sa pamamagitan ng SONA naipapahayag ng pangulo ang kanyang mga nagawa na para sa bansa. Magkaroon sa ng higit pang komunikasyon ang pangulo sa taong bayan. Sana ay malinaw na maipaintindi ng pangulo ang kanyang mga hangarin para sa inang bayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento