SONA
State of the Nation Address
of His Excellency Benigno S. Aquino
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines
[Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City on July 25, 2011]
of His Excellency Benigno S. Aquino
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines
[Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City on July 25, 2011]
Humarap po ako sa inyo noong aking inagurasyon at sinabing: Walang wang-wang sa ating administrasyon. At ngayon, patuloy nating itinitigil ito. Naging hudyat at sagisag po ito ng pagbabago, hindi lamang sa kalsada, kundi pati na rin sa kaisipan sa lipunan.
Puna sa pangungusap sa itaas: Sa salitang “At ngayon” mas magandang pakinggan kung tatanggalin ang salitang ”At”.
Sa matagal na panahon, naging simbolo ng pang-aabuso ang wang-wang. Dati, kung makapag-counterflow ang mga opisyal ng pamahalaan, para bang oras lang nila ang mahalaga. Imbes na maglingkod-bayan, para bang sila ang naging hari ng bayan. Kung maka-asta ang kanilang mga padrino’t alipores, akala mo’y kung sinong maharlika kung humawi ng kalsada; walang pakialam sa mga napipilitang tumabi at napag-iiwanan. Ang mga dapat naglilingkod ang siya pang nang-aapi. Ang panlalamang matapos mangakong maglingkod—iyan po ang utak wang-wang.
Puna sa pangungusap sa itaas: Ang salitang “embes” ay dapat palitan at gawing “Sahalip” para mas maging pormal. Ang pagitan ng salitang “sila” at “ang” ay dapat lagyan ng salitang “na” para gumanda ang daloy ng ideya.
Wala silang karapatang gawin ito. Ayon sa batas, tanging ang Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, Chief Justice, at pulis, bumbero, at ambulansya lang ang awtorisadong gumamit ng wangwang para sa kanilang mga opisyal na lakad. Kung sa trapiko nga ay di masunod ang batas, paano pa kaya sa mga bagay na mas malaki ang makukuha, tulad ng sa mga proyektong pinopondohan ng kaban ng bayan?
Puna sa pangungusap sa itaas: Sa nasalangguhitang parirala alisin natin ang salitang “nga” at palitan ito ng salitang “na” na ilalagay sa pagitan ng mga salitang “di” at “masunod”.
Narito po ang halimbawa ng resulta ng ating kampanya kontra wang-wang sa sistema. Nitong taong ito, taumbayan na mismo ang nagsabi,nabawasan ang nagugutom sa kanila. Mula 20.5% na self-rated hunger noong Marso, bumaba na ito sa 15.1% nitong Hunyo, katumbas ng isang milyong pamilyang Pilipinong nagugutom dati, pero ngayon ay nakakakain na nang tama kada araw.
Puna sa pangungusap sa itaas: Mas maganda kung papalitan natin ang nasalangguhitang parirala ng mga salitang “kumakalam ang sikmura”.
May kumpiyansa, may pag-asa, at tinutupad po natin ang ating mga pangako. Naaalala ko nga po ang babaeng nakausap ko nang ako’y unang nagha-house-to house campaign. Ang kaniyang hinaing: “Miski sino naman ang manalo, pare-pareho lang ang kahihinatnan. Mahirap ako noong sila ay nangangampanya; mahirap ako habang nakaupo sila, at mahirap pa rin ako pag nagretiro na sila.” Sa madaling salita, ang hinaing po ng marami, “Walang pakialam ang mga pinuno namin kahapon, wala silang pakialam ngayon. Bukas, wala pa rin silang pakialam.”
Puna sa pangungusap sa itaas: Ang unang naguhitang pahayag ay kailangang magkaroon ng konsistensi. Ang salitang “Miski” ay mali dapat ito ay “Maski”. Sa huling naguhitang mga pangungusap ay dapat may konsistensi. Ang dulong ideya ng pahayag ay dapat na palitan ng “Wala pa rin silang pakialam bukas”.
Sa Laguna Lake po, magtatanggal nga ng 12 million cubic meters sa dredging, pero pagkatapos ng tatlong taon, garantisado naman itong babalik. 18.7 billion pesos ang magiging utang natin para lang maglaro ng putik. Hindi pa bayad ang utang, nag-expire na ang pakinabang. Pinigilan po natin iyan. Ang food-for-school program na bara-bara lang ang paghahanap ng benepisyaryo, at iba pang inisyatibang pinondohan ngunit walang pinatunguhan—binura na natin sa budget upang ang pera namang nalibre, ay mailaan sa mga proyektong totoong may silbi.
Puna sa pangungusap sa itaas: Ang unang salitang naguhitan ay dapat palitan ang huling patinig nito ng patinig na “o”. Palitan natin ang pariralang “ang pera namang nalibre” ng mga salitang “ang perang malilibre” para maging malinaw ang pahayag.
Kahit po sa mga bukirin, may mga nagwawang-wang din. Bago tayo maupo noong 2010, nag-angkat ang bansa ng 2.3 million metric tons ng bigas. 1.3 million metric tons lamang ang kailangan nating angkatin, ngunit pinasobrahan pa nila ito ng isang milyon. Dahil nga sobra-sobra ang inangkat, kinailangan pa nating gumastos muli sa mga bodegang pagtatambakan lang naman ng barko-barkong bigas.
Puna sa pangungusap sa itaas: Ang salitang “nga” ay papalitan ng salitang “na”. Ang pariralang “lang naman” dapat palitan ng salitang “lamang” para mas maging maganda ang daloy ng pangungusap.
At bakit po postponement ang kailangan? Sa kagustuhang makabalik sa puwesto, nakahanda ang ilan na ulitin ang nakagawian para manalo. Isipin na lang po ninyo kung pumayag tayo sa kagustuhan ng mga kontra, at itinuloy natin ang eleksyon. Wala po silang ibang gagawin sa loob ng dalawang taon kundi paghandaan ang susunod na halalan at isiksik ang kalokohan nila sa mas maigsing panahon. Habang nananatili sa pwesto ang mga utak wang-wang na opisyal, naiiwan namang nakalubog sa kumunoy ng kawalang-pagasa ang taumbayan.
Puna sa pangungusap sa itaas: Ang sa litang nasalangguhitan ay kailangang palitan ng “ng” dahil hindi angkop na gamitinang salitang “ang” sa pangungusap.
Wala akong duda sa kahihinatnan ng mga repormang inilatag natin. Hindi po tayo nagbubukambibig lang; may kongkretong resulta ang ating mga paninindigan. Kapag sinabi nating tuwid na daan, may katapat itong kalsada sa Barangay Bagumbayan sa Sta. Maria, Laguna. Kapag sinabi nating malinis na pamamahala, may dadaloy na malinis na tubig sa mga liblib na lugar gaya ng nasa Barangay Poblacion, sa Ferrol, Romblon. Kapag sinabi nating liwanag ng pagbabago, titiyakin nating may liwanag na tatanglaw sa mga pamayanang dati ay nangangapa sa aandap-andap na gasera, gaya ng ginawa natin sa Barangay San Marcos, sa Bunawan, Agusan del Sur. Ganito na ang nangyayari sa marami pang ibang lugar; pinipilit nating ito rin ang mangyari sa kabuuan ng Pilipinas.
Puna sa pangungusap sa itaas: Ang mga naguhitang salita ay kaialangan mapalitan ng mga salitang “natin na ito rin” dahil kung iyong babasahin hindi ito magandang pakinggan.
Pinag-aaralan na rin po ng DOST at UP ang pagkakaroon ng monorail system, para tugunan ang problema sa pangmalawakang transportasyon. Sa malikhaing pag-iisip ng kapwa Pilipino, may pag-asa palang magtayo ng light rail system nang hindi hihigit sa 100 million pesos ang gagastusin kada kilometro. Sa matitipid na pondo, mas mahabang kilometro ng riles ang mailalatag at makaka-abot sa mga lugar na malayo sa sentro ng komersyo. Ang mga dating sumisiksik sa siyudad para maghanap ng trabaho, maaari nang tumira sa malayo, nang hindi pahirapan ang biyahe.
Puna sa pangungusap sa itaas: Ang salitang naguhitan ay kailangang mabago at maging “piso” dahil hindi maganda kung may salitang Ingles sa pangungusap kailangan nating magkaroon ng paralelismo.
Uulitin ko po: ang mungkahing ito ay galing sa kapwa natin Pilipino, para sa Pilipinas. Naaalala po ba ninyo ang panahon kung kailan ni hindi man lang maabot ng mga pangarap natin ang ganitong mga proyekto? Ngayon, sinasabi ko sa inyo: pinapangarap natin ito, kaya natin ito, gagawin natin ito. Hindi ba tayo nagagalak, Pilipino tayong nabubuhay sa ganitong panahon?
Puna sa pangungusap sa itaas: Sa naguhitang pangungusap ang “:” ay kailangang palitan ng “,” para hindi mawala ang diwa ng pangungusap.
Ang totoo nga po, marami pang kalokohan ang nahalungkat natin. Halimbawa, sa PAGCOR: kape. Isang bilyong piso po ang ginastos ng dating pamunuan ng ahensya para sa kape; sa isandaang piso na lang po kada tasa, lalabas na nakakonsumo sila ng sampung milyong tasa. Baka po kahit ngayong iba na ang pamunuan ng PAGCOR ay dilat na dilat pa rin ang mata ng mga uminom ng kapeng ito. Hanapin nga po natin sila, at matanong: nakakatulog pa po ba kayo?
Puna sa pangungusap sa itaas: Ang pangungusap na naguhitan ay kailangang palitan ng “Ang kape sa PAGCOR” para mas kaaya-ayang pakinggan.
Batid ko po na hanggang ngayon ay may kakaunti pang nagrereklamo sa ating estilo ng pamamahala. Nakita po ninyo ang aming estilo, at ang kaakibat nitong resulta. Nakita po ninyo ang estilo nila, at kung saan tayonito dinala. Sa mga taong bukas ang mata, maliwanag kung saan ang tama.
Puna sa pangungusap sa itaas: Baligtarin natin ang naguhitang dalawang salita “dinala nito” para mas maging maayos ang pangungusap.